Friday 6 September 2013

UNTV-cup Painit ng Paiinit: PNP tinaguriang Silent KILLER

PASIG CITY Philippines- UNTV cup dinaragsa at dinarayo ng mga kapatid sa bawat game na idinaraos nito tuwing Linggo. Napakalaking suporta ang natatangap ng UNTV cup mula sa mga kapatid ng Members church of God International na hindi inalintana ang pabugso bugsong ulan masaksihan lamang ang mga maiinit na laban ng mga public servants.


Linggo-linggo ay painit ng painit ang laban sa Ynarez sports complex at sa Pasig sports Complex. Nitong nakaraang Ika-1 ng Setyembre ay naging mala Araneta Coliseum ang Pasig sports Complex dahil  sa naganap na  overtime match ng dalawang koponan matapos habulin ng PNP ang 19-point lead ng team Judiciary. Nagtapos ang laban sa score na 92-89 pabor sa PNP. Ang kasalukuyang standings ay PNP 4-0, Judiciary 3-2, AFP 3-2, Philhealth 2-2, MMDA 2-2, Congress/LGU 2-3, DOJ 0-5. Nanguguna parin ang PNP na tiguriang Silent killer.

No comments:

Post a Comment